^

Metro

Mister todas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 43-anyos na mister makaraang pagba­barilin ng riding in tandem na mga suspect habang nagpapahangin ma­lapit sa kanilang bahay sa Commonwealth Ave­nue, lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Victor Mendoza, nakilala ang nasawi na si Victor­ Valenzuela, residente sa Laura Bungad, kanto ng Commonwealth Avenue, Brgy. Old Balara sa lungsod.

Ayon kay PO2 Mendoza, dalawang lalaki na armado ng pistola at sakay ng isang motorsiklo ang siyang bumaril sa biktima at mabilis ding nawala makaraan ang krimen.

Nangyari ang insidente malapit sa bahay ng biktima, ganap na alas-10 ng gabi.

Sabi ni Marjorie Valenzuela, asawa ng biktima, nakahiga siya sa loob ng kanilang bahay nang makarinig siya ng magka­sunod na putok ng baril mula sa labas. Nang kanyang tignan ang pinang­galingan ng putok ay saka niya nakita ang asawa na nakalugmok sa mababaw na creek matapos na barilin ng mga suspect na mabilis ding tumakas.

Agad na humingi ng saklolo si Marjorie sa barangay na siyang nagsugod sa sugatang biktima sa Malvar General Hos­pital, pero binawian din ito ng buhay habang sinisikap na lapatan ng lunas ng mga doktor, ganap na alas-10:40 ng gabi.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) nakarekober ang mga ito sa crime scene ng limang basyo ng bala ng kalibre 45 baril. Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

ACIRC

ANG

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

LAURA BUNGAD

MALVAR GENERAL HOS

MARJORIE VALENZUELA

OLD BALARA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SHY

VICTOR MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with