Taxi driver con holdaper, arestado
(Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Arestado ang isang taxi driver nang holdapin nito ang mag-asawa nitong pasahero kahapon ng umaga sa Makati City. Kinilala ni Senior Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Makati City Police ang suspek na si Rogelio Valencia.

Samantala, kinilala ang mag-asawang biktima  na sina Edgardo at Godeliva Siton. Lumalabas sa reklamo ng mga biktima, alas-4:10 ng madaling-araw nang maganap ang insidente nang buhat sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Pasay City ay sumakay sila ng puting Inah Taxi  (UWB711) na minamaneho ng suspect. 

Magpapahatid ang mga biktima sa   Sampaloc, Maynila at habang sila ay bumibiyahe ay kinontrata sila ng suspek  na magdagdag ang mga ito ng bayad kada kilometro. Subalit, hindi pumayag ang mag-asawa at pagsapit nila ng kahabaan ng Arellano St., Brgy. Palanan, Makati City, dito na bumunot ng patalim si Valencia at sabay na nagdeklara ito ng holdap.

Dito na nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng mga biktima at suspek, na napansin naman ng ilang bystander kaya kaagad na ipinagbigay-alam sa mga pulis at tanod­ na nakatalaga sa naturang barangay. Dahil sa mabilis na res­ponde ay nadakip ang taxi driver na holdaper. (Lordeth Bonilla)

 

ACIRC ANG ARELLANO ST. ERNESTO BARLAM GODELIVA SITON INAH TAXI LORDETH BONILLA MAKATI CITY MAKATI CITY POLICE NBSP NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with