^

Metro

Beautician, itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 51-anyos na beautician ang nasawi nang pagba­­ba­rilin ng riding-in-tandem, habang naglalakad sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, nakilala ang biktima na si  Ronaldo Legaspi,  ng  Road 4, Gagalangin, Tondo.

 Tumakas matapos ang pamamaril ng hindi pa kilalang mga suspek na inilarawang kapwa nakasuot ng bull cap at itim ang mga jacket, magka-angkas sa motorsiklong hindi naplakahan at armado ng baril.

Naganap ang insidente dakong alas-2:25 ng madaling-araw sa kahabaan ng Javier st., malapit sa panulukan ng Pag-asa St., Gagalangin, Tondo.

Sa imbestigasyon, nakita umanong tumatakbo ang biktima na hinahabol ng mga suspek at pinaputukan habang naka­talikod.

Sa kabila na may tama na sa likod, nagawa pang tumakbo papalayo ng biktima subalit muli siyang hinabol at nakorner ng back rider at malapitang binaril sa likod ng tenga, dahilan upang ito ay tuluyang humandusay.

Patuloy pa ang imbestigasyon para sa ikalulutas ng krimen habang inilagak na sa St. Rich Funeral Services ang labi nito para sa kaukulang awtopsiya.

vuukle comment

GAGALANGIN

GLENZOR VALLEJO

ISANG

JAVIER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NAGANAP

RONALDO LEGASPI

ST. RICH FUNERAL SERVICES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with