Cop killer, timbog sa Valenzuela
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hindi na nahirapan ang Valenzuela City Police na maaresto ang suspek sa pamamaslang sa isang pulis-Batangas makaraang sa kulungan na ihain ang warrant of arrest laban dito dahil sa pagkakaaresto ukol sa iligal na droga at baril, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Senior Supt. Rhoderick Armamento ang nasakoteng suspek na si Michael Hernandez, ng Brgy. Concepcion, Batangas City. Ang suspek ang itinuturong pumaslang kay PO2 Rowen Clerigo­, ng Ba­tangas City Police at sibilyan na si Welson Mo noong nakaraang taon.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, unang naaresto si Hernandez nitong Disyembre 2014, makaraang mahulihan ng walang lisen­syang baril at posesyon ng iligal na droga at makulong sa Valenzuela Detention Cell.

Sinabi ni Armamento na itinago umano ng suspek sa mga imbestigador ang pagkakasangkot niya sa kaso ng naturang pamamaslang ngunit may impormasyong nakarating sa pulisya ukol sa kinakaharap nitong kaso sa Batangas City.

Sa rekord ng kaso, itinuturo si Hernandez na siyang bumaril at nakapatay kay Clerigo at kay Mo noong Agosto 10, 2014 dahil sa sigalot sa iligal na droga. Nagawa namang makatakas ng suspek at nagtago sa Valenzuela hanggang sa maaresto ng mga pulis matapos na ipagpapatuloy sa lungsod ang hinihinalang pagtutulak ng droga.

Matapos na makarating sa kanila ang impormasyon ng kaso nito, agad na inihain ng pulisya ang dalawang warrant of arrest sa kasong murder na inilabas ni Judge Aida Santos ng Batangas City Regional Trial Court Branch 7.

BATANGAS CITY BATANGAS CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH CITY POLICE HERNANDEZ JUDGE AIDA SANTOS MICHAEL HERNANDEZ RHODERICK ARMAMENTO ROWEN CLERIGO VALENZUELA CITY POLICE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with