Barker pinatulog ng bala

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tuluyan nang  hindi nagi­sing ang isang barker nang pasukin sa loob ng kanyang bahay at barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Rinald Memis, 42, binata ng 731 Litex Road, Bgy. Commonwealth sa lungsod.

Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, blangko sila sa pagkatao ng suspect dahil maging ang saksi ay  hindi ito kakilala.

Nangyari ang insidente ganap na ala-1 ng madaling araw sa loob ng kubol ng biktima sa nasabing lugar.

Sabi ni Art Alestre, kalapit kuwarto ng biktima, natutulog siya nang mga oras na iyon nang biglang may tumadyak sa pintuan niya at pumasok ang suspect sabay tutok ng baril sa kanya at nagtanong sa kinaroroonan ng biktima.

Dahil sa takot umano ni Alestre, nagpasya siyang ituro­ ang tinutuluyang kuwarto ng biktima na ilang hakbang lang ang layo. Pinuntahan ito ng suspect at pinagbabaril habang natutulog.

Agad na tumakas ang suspect habang ang biktima ay isinugod naman ng kanyang kinakasama sa East Avenue Medical Center, pero hindi na rin umabot pa ng buhay dahil sa tama ng bala sa baba at sa leeg.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

ALESTRE ART ALESTRE AYON BGY BIKTIMA EAST AVENUE MEDICAL CENTER LITEX ROAD PASCUAL FABREAG RINALD MEMIS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with