Dayo na bebot niratrat, utas
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - October 7, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang babae makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa isang eskinita sa Brgy. Culiat, Lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag,  wala silang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima na tinatayang nasa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 5’2’’, may kaputian ang kutis, nakasuot ng skinny jeans,  blusang puti at katamtaman ang pangangatawan.

Sinabi pa ng pulisya na maaring dayo lamang sa lugar ang biktima dahil maging ang ilang residente ay hindi ito nakikilala.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa  panulukan ng Sulu at Libyan Sts., Salaam compound, Brgy. Culiat, ganap na alas- 7:45 ng gabi.

Ayon sa isang saksi, nagbabantay siya sa kanyang tindahan nang makarinig na lang siya ng mga putok ng baril sa naturang lugar.

Dahil dito, nagpasya ang testigo na alamin ang pinagmulan ng putok kung saan bumulaga sa kanya ang duguang biktima habang walang buhay na nakabulagta sa lugar.

Agad na ipinabatid ng saksi ang insidente sa barangay na siya namang humingi ng ayuda sa awtoridad.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na ang biktima ay nagtamo ng multiple gunshot wounds sa buong katawan mula sa kalibre 45 baril.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaslang. 

 

AYON BRGY CULIAT DAHIL INAALAM LIBYAN STS LUMILITAW LUNGSOD QUEZON PASCUAL FABREAG PATAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with