^

Metro

Rider binaunan ng bala sa ulo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang motorcycle rider makaraang sumemplang at barilin ng isang hindi pa nakikilalang gunman, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Isinugod at inoobserbahan ngayon sa Valenzuela General Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang nakilalang si Bernardo Mateo, 41, residente ng Jeremias St., Brgy. Karuhatan, ng naturang lungsod.

Nahihirapan naman ang pulisya na makilala ang salarin dahil sa wala pang lumalantad na testigo sa insidente.

Sa ulat, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima dakong alas-10:20 ng gabi patungo sa lugar ng kanyang kaibigan sa may Family Compound sa Karuhatan na doon na pala ito inaabangan ng salarin kung saan dalawang beses itong pinaputukan.

Nagawa namang makaiwas ng biktima na pinaharurot ang kanyang motorsiklo upang makatakas ngunit nawalan ng kontrol sa behikulo at sumemplang.  Dito ito nilapitan ng salarin at binaril sa ulo ang biktima bago mabilis na tumakas.

Patuloy namang inaalam ng pulisya kung sino ang kaibigan na katatagpuin ni Mateo at kung may kaugnayan ito sa naturang krimen.

BERNARDO MATEO

BRGY

DITO

FAMILY COMPOUND

ISINUGOD

JEREMIAS ST.

KARUHATAN

MATEO

VALENZUELA CITY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with