^

Metro

11 sabungero tiklo sa tupada

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang 11 sabu­ngero makaraan ang dalawang sunod na pagsalakay ng pulisya ang isang iligal na tupada sa Valenzuela City nitong nakaraang Biyernes Santo.

Nabatid na dakong alas-8 ng umaga nang unang salakayin ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang tupadahan sa may Lower Tibagan, Brgy. Ugong matapos na isang residente ang magsumbong sa nagaganap na iligal na sugal.

Nadakip sa operasyon ang anim na lalaki at nakum­piska ang dalawang pa­nabong na manok.

Ngunit tila hindi pa nadala, muling ipinagpatuloy ng mga promotor ang iligal na sugal nang makaalis ang mga pulis­. Muli namang sinalakay ng mga otoridad ang lugar dakong alas-5 ng hapon na nagresulta sa pagkakadakip sa lima pang katao at pagka­kakumpiska sa apat pang panabong na manok.

Ayon sa pulisya, sa halip na magtika ay sinasamantala ng mga sugarol ang Biyernes Santo para sa iligal na sugal dahil sa paniwalang maging mga pulis ay walang pasok.

vuukle comment

ARESTADO

AYON

BIYERNES SANTO

BRGY

LOWER TIBAGAN

MULI

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with