^

Metro

Suspect sa Baguio massacre, sumuko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumuko na kahapon ang sinasabing suspect sa pagmasaker sa lima katao kabilang ang tatlong paslit sa Baguio City, kamakailan.

Ang suspek na si Philip Tolentino Avino, 31, ay half-brother ng pulis na si PO3 Jeffrey Sta. Ana na hiningan nito ng tulong para makasuko nang matiwasay upang malinis ang pangalan.

Nakipag-ugnayan uma­no kaagad si Chairwoman Chit Tolentino, ng Barangay 584 sa Quezon City, tiyahin ng suspek sa tanggapan ni  Manila Councilor DJ Bagat­sing na ipinarating naman kay Manila Vice Mayor Isko Moreno  kaya bandang alas 12:00 ng madaling-araw kahapon ay tuluyang lumutang ang suspect na sinundo sa Cubao, Quezon City.

Mariing itinanggi ng suspek na siya ang may kaga­gawan sa pamamaslang.

Aminado ang suspek na galing siya sa bahay ng mga biktima bago pa maganap ang krimen, subalit wala siyang alam sa pangyayari at katunayan ay umuwi na siya sa Maynila sakay ng Genesis Bus matapos madismaya nang malaman na may iba nang karelasyon ang babawiin sanang live-in partner na si Samantha.

“Gusto ko pong mabawi ang kinakasama kong si Samantha  mula sa kantina ng pamilya Nociete pero hindi sapat yun para pumatay ako ng mga tao,” ayon kay  Avino.

Kaibigan niya umano ang pamilya Nociete na amo ng kasintahan at sanay siyang umekstra ng trabaho doon.

Isang kasamahan sa trabaho lamang ang nagsabi sa kanya hinggil sa naganap na masaker at nagulat siya nang sabihan na isa siya sa suspek.

Natakot umano siya kaya humingi ng tulong sa ma­aaring magbigay sa kanya ng proteksiyon sa pagsuko.

Nakatakdang dalhin ng Manila Police sa Baguio City Police ang sumukong suspect.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY POLICE

CHAIRWOMAN CHIT TOLENTINO

GENESIS BUS

JEFFREY STA

MANILA COUNCILOR

MANILA POLICE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with