^

Metro

Misis ni-rape ng holdaper sa harap ng bf

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 26-anyos na seperada ang hinoldap at ginahasa mismo sa harapan ng kanyang boyfriend ng dalawa sa anim na holdaper sa Caloocan City kahapon.

Nakakulong ngayon ang apat sa anim na suspect na nakilalang sina Charlie Prieto, 20; An­thony Fernando, 25; John Leo Fajela, 17; at Oscar Vertera, 23, pawang taga-Phase 10, Bagong Silang ng naturang lungsod habang hinahanting pa ang dalawang hindi pa kilalang kasama ng mga ito.

Ang biktima ay iti­nago sa pangalang Mina,  taga-Brgy. Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa pahayag ng biktima sa Caloocan City Police, naganap ang in­sidente alas-2:30 ng madaling-araw habang siya at ang kanyang nob­yo ay naglalakad sa Phase 10,  Bagong Silang ng naturang lungsod nang harangin sila nina Prieto at Fernando at tutukan ng patalim.

Dinala ang mag­nobyo sa bakanteng lote sa nasabing lugar kung saan naghihintay pa ang apat na suspect bago nilimas ang mga gamit at pera ng magkasintahan.

Hindi pa nakun­tento, dalawa sa mga suspect ang nagka­kursunada sa babae at hindi nakatiis ay halin­hinang hinalay habang ang ibang suspect ay tinutukan ang lalaki upang hindi makapiyok habang ginagahasa sa harapan niya ang nobya.

Nang makakuha ng tiyempo ang lalaki ay nagawang makapiglas at nagtatakbo bago mabilis na nakahingi ng tulong sa mga pulis.

Agad na binalikan ang bakanteng lote ng lalaki at ng mga pulis hanggang sa maabutan ang apat  at kaagad na dinakip ang mga ito habang nakatakas ang dalawa pa.

 

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHARLIE PRIETO

FERNANDO

JOHN LEO FAJELA

OSCAR VERTERA

SAN JOSE DEL MONTE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with