^

Metro

Nagpanggap na parak, utas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Todas ang isang lalaking nagpapanggap umanong pulis upang makapang-hulidap matapos na makipagbarilan sa awtoridad na aaresto sa kanya kahapon ng madaling araw sa Pasig City.

Ang nasawi ay kinilalang si  Marvin Cruz, alyas PO3 Marvin Cruz at PO3 Carlo Cruz, at nakatira sa Dr. Sixto Antonio Ave., Brgy. Caniogan sa lungsod.

Base sa ulat ni P/Sr., Insp. Oscar Mansibang, hepe ng Criminal Investigation Unit ng Eastern Police District (EPD), dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa  Dr. Sixto Antonio Avenue, Brgy. Caniogan Pasig City.

Si Cruz ay may warrant of arrest dahil sa kasong extortion na inisyu  ni Judge Amirfona Cerrado-Cezar, ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 67.

Nauna rito, nagsagawa ng operasyon laban kay Cruz at nang mamataan ito ay lumapit sa kanya ang mga awtoridad, gayunman imbes na sumuko ay agad umano nitong binunot ang kanyang baril kung kaya inunahan siya ng mga aarestong pulis.

Agad na isinugod sa Rizal Medical Center (RMC) si Cruz ngunit hindi na umabot pa ng buhay.

BRGY

CANIOGAN PASIG CITY

CARLO CRUZ

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CRUZ

DR. SIXTO ANTONIO AVE

DR. SIXTO ANTONIO AVENUE

EASTERN POLICE DISTRICT

JUDGE AMIRFONA CERRADO-CEZAR

MARVIN CRUZ

OSCAR MANSIBANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with