_ngayon
^

Metro

Bartender todas sa saksak ng live-in partner

Ni Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na barten­der ang sinaksak at napa­tay ng kanyang live-in-partner ma­tapos ang mainitang pagtatalo kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Dead-on-arrival sa Uni­ted Doctors Medical Center (UDMC) ang biktimang si James Soriano ng Ventura St., Sampaloc, Maynila dahil sa tinamong saksak sa dibdib. Inaresto naman habang nag-aasikaso sa biktima ang suspect na si Cherry Coloma, 25.

Sa ulat ni PO3  Rodel Benitez, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente nang dumating umano ang biktima na naka­inom at dito na nagsimula ang pagtatalo ng dalawa.

Ang pagtatalo ay nauwi pa umano sa pananakit ng lalaki kay Coloma na nagdilim ang paningin kung saan nakakuha ng kutsilyo at isinaksak kay Soriano.

Sa puntong iyon, nabigla rin at nagsisigaw ang babae na humihingi ng saklolo sa mga kapitbahay kaya nadala sa pagamutan ang biktima kung saan hindi na umabot ng buhay.

Ani Benitez, may isang anak, na dalawang taong gulang na lalaki ang biktima at suspect at may apat na taon na ang kanilang pagsasama. Nitong huli umano ay nada­dalas ang pag-aaway ng da­lawa dahil sa pera. (Kasama ang trainees na sina Janica Ruiz at Rodelyn Flores)

 

ANI BENITEZ CHERRY COLOMA DOCTORS MEDICAL CENTER HOMICIDE SECTION JAMES SORIANO JANICA RUIZ MAYNILA RODEL BENITEZ RODELYN FLORES SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with