Enero 22, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Iwasan ang tao na naghahatid ng mapanirang tsismis. Ipagpatuloy ang mga gawain upang maging productive. Hindi makakatulong ang pagkikimkim ng sama ng loob, kaya huwag itong gawin. Huwag balewalain ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 25, 44 at electric blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mage-enjoy ka sa beauty ng nature at magiging masaya ang puso dahil sa kanta na compose mo. Lilitaw rin ang mga ideas para sa kaunlaran ng madla. Huwag itong ipagkait sa iba, share your talent, it’s time to shine! Lucky numbers at color for the day ang 19, 22, 41, 59 at flame red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) May isang paboritong kaanak ang dadalaw sa’yo, magdadala siya ng mapagsasaluhan ng inyong pamilya. Huwag magtaka kung maraming mapagkukwentuhan. Dahil talagang na-miss niya kayong lahat. Lucky numbers at color for the day ang 1, 13, 39, 41 at cyan blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Malalaman mo ngayon ang tao na merong hinanakit sa’yo. Kausapin siya ng masinsinan para magkaliwanagan. The truth will set you free. Huwag paghaluin ang puti at de color sa paglalaba. Lucky numbers at color for the day ang 15, 29, 39, 44 at tangerine.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Pakinggan ang suhestiyon  ng iba bago ka magdesisyon. Magpakatotoo, huwag dayain ang sarili. Kung may feelings ka para sa kanya, express it bago ka pa maunahan ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 22, 29, 37, 45 at emerald green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Mapapasigla ang araw sa pagpa-practice ng fitness program. Gawin ang work plan upang mas maging productive sa trabaho. Maging tapat sa lahat ng pagkakataon dahil doon ka susubukan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 31, 33 at ivory white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Meron kang charming personality ngayon. Marami ang maaakit, kasama na ang taong matagal ng inggit sa’yo. Panatilihin ang humility at sikapin na maging mabuti pa rin sa kanya sa kabila ng lahat. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 41, 44 at hot pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Pairalin ang iyong sense of humor sa maling nagawa. Ang pagtawa sa pagkakamali, sa halip na seryosohin ay aakit ng positive vibrations na magbibigay sa'yo ng mga pangkabuhayan opportunities. Lucky numbers at color for the day ang 13, 17, 27, 42 at orange.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Romantically charge ang iyong araw dahil kinausap ka ng crush mo. Nabago ang pagtingin mo sa kanya dahil nalaman mong hindi siya mama’s boy. Kung magkakasundo, posibleng magkaroon ng relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 39, 45 at maroon.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Postpone ang iyong tran-saksyon dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Huwag panghinaan ng loob, higit ang naghihintay na oportunidad para sa’yo. Huwag tumigil sa pagtuklas ng kaalaman. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 19, 31 at violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Mag-aral ng oracion meditation para magkaroon ng tamang stress management. Magiging positibo rin sa pananaw sa buha.y Sikapin na laging mabuti at tama ang mga gawaing kasasangkutan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 25, 33, 41 at baby pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Nakakaakit ang iyong pagkatao at top ka sa sales sa araw na ito. Huwag masyadong mayabang dahil ma-dudukutan ka habang nasa kalagitnaan ng kaabalahan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 19, 25, 29, 41 at sun yellow.

BISAYA HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with