^

Kutob

Mayo 18, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Alam kong mananagana ako, dahil tapat ang Manlilikha ko sa kanyang pangako.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag baguhin ang dating mga balak. Taliwas o kabaligtaran sa inaakala ang mangyayari. Isang kapwa Aries ang magbibigay ng hinanakit. Isang Libra ang magbibigay ng kaligayahan o kasiyahan. Maayos at mabuting pamamahala ang dapat gawin para magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 33, 40 at Yellow.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Masaya at maaliwalas ang mga Gemini. Mapapawi ang mga suliraning pantahanan. Masigla at makulay ang daidig sa pag-ibig. Posibleng makatanggap ng magandang balita tungkol sa trabaho o negosyo. Makakatagpo ng bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 34, 39 at Peach.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Matalas ang isip. Naaayon ang paglagda ng mahahalagang papeles o kontrata. Naaayon ang magpa-interview o ang pagkuha ng pagsusulit o examination. Kabigha-bighani ka at magandang makausap. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 30 at Blue.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – May sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin. May matutuklasan na ikakagalit. Magkakaroon ng hindi magandang relasyon sa bagong kakilala o kaibigan. Suliranin sa trabaho o tahanan ang magbibigay ng tamlay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 14, 22 at Red.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Babatakin ka ng galamay ng tukso. Pag-isipan muna kung makakabuti o makakasama ang gawain bago pumalaot. Kung hindi mag-iingat, mapapasubo o mapapahamak. Lucky numbers at color for the day ay 7, 25, 40, 42 at Indigo.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Isang Leo ang makakapagpainit ng ulo. Ang pagtitimpi ay dapat pairalin. Iwasan ang paanyaya ng mga kaibigan. Huwag mag-istambay sa labas ng tahanan sa gabi. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 22, 39 at White.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Sundin ang dikta ng isip at huwag ang puso. Iwasan na maging mapusok sa pag-ibig dahil ipapahamak ka. Huwag padala sa matamis na salita. Mapalad at maswerte sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 13, 40 at Gray.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Mapamaraan at pakikibagay ang dapat pairalin. Tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o gawa. Mapapalawak ang sirkulo ng pakikipagkapwa. Sa mga gawain, isaalang-alang ang kapakanan ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 20, 36 at Green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Malamang may hindi inaasahang panauhin. Walang sagabal sa lalakarin o gawain. Matiwasay na matatapos ang sinimulan. Kung magsisimula ng negosyo, magiging maunlad. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 26, 33 at Beige.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Walang sagabal kung makikipagkasundo sa nakasamaan ng loob. Naaayon ang maglakbay sa malayo o malapit. Ang mangyayari ay magsisilbing isang leksiyon. Malamang may matutuklasan. Lucky numbers at color for rhte day ay 8, 17, 20, 32 at Orange.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kung hirap noon, sagana ngayon. Kung panay hinanakit ang nakalipas, kaligayahan naman ang daranasin ngayon. Nasa itaas ka sa gulong ng buhay, dapat paghandaan ang panahon kapag napunta ka naman sa ilalim. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 24, 30 at Light blue.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Mapalad sa lara­ngan ng pag-ibig. Angkin ang talas ng ESP na makaka­tulong sa kaibigan na may suliranin. Huwag maniwala sa impormasyong matatanggap, suriin o siyasatin muna bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 24, 28, 34 at Green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with