Enero 6, 2016
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2016 - 9:00am

Pagtitibay: Hindi kailangan na pigain ang lakas para maganap ang nais na oracion meditation. Ang pagbuo ng pagkatao ay ayon sa batas ng kabuuhan. Dumadaloy ito para bigyang kahulugan ang layunin mo sa buhay.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Palagi kang too late to be a hero, kapag aasa ka na lang sa sulsol ng iyong kaibigan. Sundin ang kutob. Lucky numbers at color for the day ay 15, 29, 35, 25 at electric blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Nakakasama sa kalusugan ang pagkimkim ng poot. Pag-aralan ang magpatawad para maakit ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 9, 19, 28, 38 at fuchsia pink.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Pasalamatan ang Diyos dahil ikaw ngayon ang nagbibigay ng tulong sa kapwa. Ang kaibigan na tinutulungan ay dapat mo ring pasalamatan dahil siya ang divine expression ng iyong kakayahan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 21, 27, 35 at silver.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang inspiration ang magpapasigla ng katawan. Mas maraming  matatapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ay 1, 19, 25, 41 at orange.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Maisasakatuparan ngayon ang matagal mo nang pinapangarap. Tanggapin mo, ito ang divine mission na nakalaan sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 31, 37, 45 at green.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Nahawaan ka ng masiglang saya ngayon. Dahil dito mabilis na matatapos ang gawain. Lucky numbers at color for the day ay 22, 39, 41,44 at blue.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang selos ay insecurity ng pagkatao, magbubunga ito ng masalimuot na paghihiwalay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 39, 44 at coffee brown.   

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Sa mahinahong paraan, pabulong na ipaliwanag ang inaakalang mali ng kasama. Dahil dito magi-improve ang inyong samahan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 37, 49 at citrine yellow.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ang pag-iyak ay emotional reaction sa isang masalimuot na kaganapan ng buhay. Ito ang magbibigay liwanag sa kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 25, 49 at flame red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Kapag tatanggapin mo ang responsibility, maraming blessings ang darating. Mananalo ka sa lotto. Lucky numbers at color for the day ay 19, 27, 39, 46 at peach.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Sa pagtatapos ng relasyon, merong mabubuksan okasyon tungo sa kaganapan ng walang hanggang kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 29, 31, 44 at cream yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mas malaking problema ang haharapin. Dahil sa iyong kakuriputan, maraming gamit ang nag-short circuit. Buti na lang hindi nasunog ang bahay. Lucky numbers at color for the day ay 26, 29, 11, 15 at jade green.

 

ABRIL ACIRC AGOSTO ANG COLOR DAHIL DAY DISYEMBRE LUCKY NUMBERS STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with