Enero 31, 2016
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2016 - 9:00am

Affirmation: Ang gantimpala ng emotional ho­nesty ay isang maliwanag na pag-iisip tungkol sa iyong kailangan at sa iyong gusto. Kasabay nito ang pagtataglay ng kakayahang mabayaran ang lahat ng pagkakautang. 

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Upang manatili ang kaunlaran, positibo ang pairaling kaisipan. Mas lalong uunlad ang buhay kapag mas madalas ang pagpapuri mo sa iyong ina. Iwasang manira ng kapwa. Lucky numbers at color for the day 25, 29, 41, 47 at jade green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kapag sinusungitan ka ng tao sa iyong paligid, salamin lamang siya ng iyong lihim na ugali. Kung nais mong mabago ito,  kailangan baguhin ang sariling ugali. Lucky numbers at color for the day 31, 33, 39, 44 at purple.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Pahalagahan ang kalusugan. Kapag ito ay napabayaan, walang buhay ang kahihinatnan. Pag-ibig ang inspiration para sipagin sa kabuhayan. Lucky numbers at color for the day 52, 17, 34, 47 a t yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo) - Susi ng yaman ang kasipagan, positibong isip, salita at gawa. Ito ang aakit ng sari-saring opportunites para magkaroon ng creative expression. Masaya ang mundo kapag ganito ang pagkatao. Lucky numbers at color for the day 1, 17, 25, 39 at indigo.    

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Oracion meditation ang paraan para akitin ang kabiyak ng buhay. Kung sakali may hindi ninanais ang papalapit, salamin lamang siya ng lihim mong ugali. Lucky numbers at color for the day 5, 19, 27, 35 at apricot.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Lilikha ng kagalit kapag nagpautang ka. Iwasan ito, dahil kapag sisingilin siya magkakaroon ng selective amnesia. Lucky numbers at color for the day 21, 35, 33, 44 at coral red.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Dahil walang pokus ang paningin sa paglalakad, matatalisod. Maging matiyaga para umani ng bongga. Lucky numbers at color for the day 15, 21, 29, 27 at ivory white.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang nakakaaliw ay nakakabaliw din. Mas mababaliw sa pag-ibig na hindi na darating. Para maalis ang pighati, mas mabuti turuang mahalin ang sarili. Lucky number at color for the day 15, 29, 35, 44 at violet.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag palagpasin ang opportunity na dara­ting. Bigyan ng action para kapwa-biyaya ng Diyos at kaligayahan ng kapwa ang matapos. Lucky number at color for the day 7, 22, 27, 31 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Bigyan pansin ang responsibilities, alagaan ang iyong supling. Lucky numbers at color for the day 13, 27, 39, 41 at pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Sa krisis na iyong nararanasan, tunay na kaibigan ang mapapatunayan. Lucky numbers at color for the day 3, 35, 33, 43 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Sa mga nawalang gamit sa tahanan, mapaglarong duwende ang dahilan. Feng shui ang kailangan para mawala ang espirito at mapakinabangan ang bunga ng nais sa buhay. Lucky numbers at color for the day 5, 21, 31, 39 at ocean blue.

ABRIL ACIRC AGOSTO ANG BIGYAN COLOR DAY DISYEMBRE LUCKY NUMBERS STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with