^

Dr. Love

Susubukan  ba si Mr. Tapsi?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Mia, isa akong serbedora sa canteen ng tita ko. Galing akong Samar. Bagamat maganda at simple lang ang buhay sa lugar namin, minabuti kong makipagsapalaran dito sa Maynila

Iniwan ko ang mga magulang at kapatid ko roon pati na ang boyfirend ko. Mahirap pala talaga ang buhay dito sa Maynila. Lahat ng kilos, gastos. Simula sa ulo hanggang paa. Pero nakakaipon pa rin naman ako. May naipapadala pa rin ako sa kanila.

Heto nga at may nanliligaw sa akin. Ang akala ko noong una ay ordinaryong binata lang ito aking manliligaw. Simula ng dumating ako, lagi siyang kumakain sa tanghali at tapsilog lagi ang order niya.  Kaya ang tawag ko sa kanya ay Mr. Tapsi. Matipuno at mabait si Mr. Tapsi kwela pa. Masaya ang canteen kapag nariyan siya.

Sinabihan ako ng tita ko na huwag ko nga raw patulan siya dahil pulis daw si Mr. Tapsi. Hindi raw ako sigurado kung  seseryosohin ako ng pulis na iyon.

Gusto ko sanang mabigyan ninyo ako ng payo kung susundin ko ang payo ng tita ko o susubukan ko munang mahalin si Mr. Tapsi.

Mia

Dear Mia,

Gaano mo na ba kakilala si Mr. Tapsi?  Kaya ka sinasabihan mg tita mo dahil concern lang siya sa iyo. Una, nasa poder ka niya kaya anuman ang mangyari sa iyo ay masisi ng mga kamag-anak mo. Kumusta naman ang boyfriend mo sa Samar?

Wala naman problema kung hahayaan mong manligaw ang pulis sa iyo. Basta kilalanin mo siya ng mabuti. Kung wala ka naman dapat alalahanin at  nagmamahalan talaga kayo, go! Ayusin mo lang muna ang ugna-yan ninyo ng boyfriend mo sa Samar dahil ma-lamang maghahabol siya sa iyo.

DR. LOVE

vuukle comment

SAMAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with