^

Dr. Love

Huwag kang susuko

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May pangako ako sa gf ko na magse-celebrate kami ng 5 years anniversary namin nitong March 30. Kaso kasagsagan ng pandemic at total lockdown ang Manila kaya hindi ako makaluwas galing Cavite.

Hindi rin ako makabili man lang ng kahit anong pwedeng pampalubag-loob sa gf ko dahil sarado ang lahat ng business establishment. Hayun hanggang chat lang at video call ang nagawa ko para magparamdam sa kanya.

Mahirap din kasi ang kalagayan ko, isa akong breadwinner ng aming pamilya kahit kaka-graduate ko pa lang kailangan kong magsipag. Kahit may quarantine, mas pinili kong mag-stay sa office na­min para lang hindi ako mawalan ng kita.

Ang lingid sa kaalaman ko ay may nanliligaw na pala sa kanya na klasmeyt niya. Nasabihan lang ako ng isa sa mga bff niya. Medyo guwapo nga lang kaysa sa akin at mas bata yung manliligaw niya.

Laging babad nga raw sa fb chat silang dalawa, ayon sa bff niya. Parang may kutob na ako na nagkakaigihan sila . Medyo naamoy ko na nga ang kanilang communication noon pang mag-on job training sila. Hindi ko naman pinansin dahil halos kilala ako ng mga klameyts niya. Siya lang ang hindi ko masyadong kilala at itong guy  na nanliligaw ngayon sa kanya.

Gusto kong i-save ang relationship namin kasi nanghihinayang ako sa 5 years na pinagsamahan namin.

Ang ginagawa ko ngayon ay parang bagong manliligaw rin niya. Panay ang padala ko ng letters na nasa flowers at brownies na paborito niya. Pero hindi maalis sa isip ko ang bumitaw na lang at i-let go na ang gf ko kahit masakit sa kalooban ko.

James Allen

Dear James Allen,

Kung ako sa iyo, huwag ka munang bumitaw. Alam mo naman na minsan sinusubukan lang ng babae. Kung talagang mahal mo siya, gagawin mo ang lahat para sa kanya. Kaya keep going lang. Wala naman sa itsura ‘yan at edad. Ang mahalaga mapatunayan mong mahal mo talaga siya.

Ngayon kung tala­gang ayaw na niya, saka ka na lang mag-let go.

Don’t worry kung kayo talaga ang para sa isa’t isa, tiyak na maaa­yos ninyo ang gusot sa pagitan ninyo. Kaya mo ‘yan! Huwag kang susuko.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with