^

Dr. Love

Ikakasal nagkaroon ng breast cancer

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana ay matulungan ninyo ako sa problema ko. Tawagin n’yo na lang akong Arman, 27-anyos. Five years na kami ng girlfriend  kong si Lina nang magpasya kaming magpakasal ngayong taon. Sa tagal ng aming engagement, ipinasya namin na dapat na kaming lumagay sa tahimik.

Ngunit dumating ang isang masaklap na situwasyon sa aming buhay. Matagal na niyang nararamdaman ang kumikirot sa kanyang dibdib. Matagal ko na ring sinasabi na magpa-check up na siya pero siya ang ayaw.

Nakumbinsi ko siyang magpasuri at nasilip ng doktor ang tumor sa kanyang dibdib na kinakailangang agad na operahan. Sa biopsy, nakumpirma na ito ay cancer na nasa stage 2 na. Masyado siyang na-depress sa pangyayari.

Bigla siyang nagpasya na iurong ang a­ming kasal na nakatakda na sana sa darating na Hunyo. Mahal daw niya ako at ayaw niya akong mabiyudo agad. Pero mahal na mahal ko siya.

Sabi ko, handa akong pakasalan siya ano man ang mangyari pero hindi ko alam kung bakit umaayaw siya.

Ano ang dapat kong gawin?

Arman

Dear Arman,

Kahit na stage 4 ay mayroong kaso ng cancer na gumagaling. Stage 2 pa lang naman ang cancer ng iyong girlfriend kaya sabihin mo na malaki pa ang pag-asang gagaling siya.

Siguro nabigla lang siya sa findings kaya nakapagsalita siya ng ganoon. Pero kapag kalmado na ang isip niya ay mare-realized niya na walang ibang paraan para malampasan ‘yun kundi sa pamamagitan ng pagtanggap na niya sa situwasyon.

Sikapin mong pahinahunin ang kanyang kalooban at naniniwala ako na magbabago rin ang kanyang isip at papayag siyang paka­salan ka sa araw na itinakda ninyo. 

Dr. Love 

 

 

 

vuukle comment

BREAST CANCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with