^

Dr. Love

Miss Sungit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Si Esther ay kapitbahay namin, maganda at artistahin. Nais ko sana siyang ligawan pero  napipigilan ako ng kanyang kasungitan.

Tawagin mo na lang akong Ricky, binata pa kahit 25 na ang edad. Hindi mo naitatanong, sa aming lugar, ako ang crush ng bayan at marami na ring naging dyowa. Playboy nga ang tawag sa akin ng mga nakakakilala sa akin.

Minsan, hinamon ako ng aking mga dabarkads na ligawan si Esther na 27 years old na ay wala pang naging boyfriend sa kabila ng kanyang ganda. Paano ba naman, hindi pa nga nililigawan at natitigan pa lang, agad na siyang nakasinghal.

Minsan nga, sa kanyang pamimintana, nakadu-ngaw din ako sa aming bintana na katapat ng kanilang bahay. Ipinako ko ang aking tingin sa kanya at nang mapansin ako, tumingin ng masama at tinawag akong manyakis.

Paano kaya akong makakadiskarte sa isang babaeng ubod ng arte? Paano ko didigahan ang reyna ng katarayan? Pero sa totoo lang, habang nagtatagal nararamdaman kong in love na ko sa kanya.

Ricky

Dear Ricky,

Ikaw na isang playboy, hindi kayang dumiskarte? Mahirap yatang paniwalaan. Siguro natatakot ka lang na masupalpal kaya ayaw mong mangahas na lumigaw. Ngayon mo puwedeng subukan ang iyong abilidad sa panliligaw.

Pero so what kung supalpalin ka? Ma-bas-ted ka man, lahat naman ng lalaki ay dumaranas ng kasawian kahit pa crush ng bayan. Try mo lang na ligawan siya in whatever way you can. Pwedeng sulat, pwedeng person to person na ligawan, huwag matakot. Ang pinakamasamang pwedeng mangyari ay ma-basted ka pero siguradong hindi ka papatayin o sasaktan ng babaeng supladita.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

ESTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with