Makikipag-break sa rider na bf
Dear Dr. Love,
Mahilig po sa motor ang boyfriend ko. Ilang beses na rin siyang naaksidente. Unang aksidente, magkasama pa kami.
Matagal bago gumaling ang sugat ko. Ayaw ko nang maulit ‘yun. Pero hindi ko siya mapigilang magmotor.
Mahal ko si Oscar pero nakakaisip na akong makipaghiwalay na lang sa kanya. Kinakabahan kasi ako kapag nakamotor kami. Ano po ba maipapayo ninyo?
Yanna
Dear Yanna,
Huwag kang magpadalus-dalos. Makakabuti kung kausapin mo muna siya nang masinsinan para masabi mo sa kanya ang takot mo sa pagmomotor ninyo.
Kung talagang mahal ka niya, hindi niya babalewalain ang panig mo. Pero kung dedma lang siya, siguro nga dapat ka nang magdesisyon bago pa mahuli ang lahat.
Dr. Love
- Latest