^

Dr. Love

Speech defect

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Domy, 23-anyos at binata pa. Wala pa rin akong girlfriend dahil kimi akong manligaw dahil sa aking kapintasan.

Simula pa sa pagkabata ay pautal-utal akong magsalita. Pero hindi hadlang ang kapintasan na iyon para maging top ako sa klase.

Naka-graduate ako sa high school at college­ na laging may honor. Nakatapos ako ng accounting­ at nakapasa ako sa CPA exam.

Sa ngayon ay nagtatrabaho ako sa isang bangko bilang accountant. Hindi man kataasan ang grade ko sa CPA exam ay maipagmamalaki ko na nakapasa ako na hindi nandaya sa exam.

Pero handicap ko po talaga ang aking pagsasalita. Kaya lagi akong tahimik at iniiwasan kong maging madaldal. Paano kaya mao-overcome ang tinatawag na stuttering o pagiging utal? Sana ay matulungan mo ako.

Domy

Dear Domy,

Sabi ng iba, ang pagiging utal ay tanda ng kawalan ng self-confidence ng tao. Pero bakit mawawalan ka ng self-confidence gayung nakapasa ka sa CPA exam? At gaya ng nasabi mo, lagi kang nasa honor role nung nag-aaral ka pa. At ngayon, maganda ang trabaho mo sa bangko at naniniwala ako na sa isang CPA na tulad mo, madaling tumaas ang iyong posisyon.

Anyway, may mga speech clinic na maaari kang daluhan para ma-overcome mo ang iyong depekto. Subukan mong dumalo roon kung may oras ka.

Isa pa, sa katangiang taglay mo, ang pagiging utal mo ay hindi hadlang para may mga babaeng magkagusto sa iyo. Ang dapat mo lang gawin ay manligaw ka at huwag matakot na gawin ito. Kung may napupusuan ka, sulatan mo at sa ganoong paraan ay sabihin mo ang iyong damdamin.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with