^

Dr. Love

Playboy na boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po Dr. Love, my favorite love counselor on newspaper.

Sana po ay mailathala ninyo ang liham kong ito.
Tawagin n’yo na lang akong Elsa. May tatlong taon na akong suki ng PS NGAYON at ang paborito kong kolum ay ang Dr. Love.

Ito pong problema ko ay tungkol sa aking boyfriend na bigla ko na lamang nalaman na naging boyfriend din ng dalawa kong kaibigan.

Tatlo po kaming magkakaibigan na umibig sa kanya. Muntik nang masira ang pagkakaibigan naming tatlo dahil sa kanya. Pero inunawa ko siya kahit isa siyang playboy. Mahal din niya ako bagaman playboy siya.

Nagkasundo kaming magkakaibigan na makipag-break sa kanya. Para sa akin, masakit dahil mahal ko siya. Ano po ang dapat kong gawin para malimot siya?

Elsa

 

Dear Elsa,

Huwag kang palinlang sa damdamin mo. Sa ayaw mo at sa gusto, ang ganyang uri ng lalaki ay dapat kalimutan.  Buti nga at habang maaga ay nakilala mo ang kanyang pagkatao.

Isipin mo na lang na kayo pang magkakaibigan ang ipinasya niyang tuhugin? Wala siyang kuwentang lalaki kaya kalimutan mo siya.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with