^

Dr. Love

Ayaw mag-asawa muli ang ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang magandang araw sa inyo, Dr. Love. Kung pwede lang, pakikubli mo ako sa pangalan Virgie, 21-anyos.

Three years pong biyuda ang aking nanay matapos mamatay ang aking tatay sa cancer.

May boyfriend po siya ngayon at nagbabalak silang magpakasal.

Ayaw naming magkakapatid sa boyfriend ni nanay dahil mayabang. Sinabi na namin kay nanay na tutol kami pero sinabi niya na hindi niya hihiwalayan ang kanyang boyfriend.

Kung sa bagay, pare-pareho na kaming nakapagtapos ng kolehiyo ng mga kapatid ko. Pero natatakot kami na baka saktan lang ng kanyang magiging asawa si nanay.

Pagpayuhan mo nga po ako, Dr. Love.

Virgie

Dear Virgie,

Hindi n’yo dapat saklawan ang kalooban ng inyong ina, lalo na pagdating sa pag-ibig. Biyuda na siya at walang masama kung mag-asawa siyang muli.

Kung tutuusin, malaki ang utang na loob ninyo sa inyong ina na maski biyuda ay itinaguyod niya ang inyong pag-aaral.

Tingin ko naman ay may isip na ang inyong ina para gumawa ng desisyon para sa kanyang sarili.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with