^

Dr. Love

Gusto nang sumuko

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang masayang mata at magandang katawan ng mister ko ang bumihag sa akin noong magnobyo pa lang kami. Hinahangaan ko rin ang kanyang healthy life style gaya ng regular niyang paggi-gym.

Pero ang hindi ko alam ay may depekto siya sa kaliwang tenga. Mahina ang pandinig niya. Dulot ito nang pagkabagok niya noong bata pa, nang mahulog siya sa puno ng mangga.

Noong bata pa siya ay hindi pa halos napapansin ang naging epekto sa kanya ng aksidenteng ‘yun. Pero ngayon na nagkakaedad na siya ay nagkakaproblema na kami. Dahil madalas ay hindi kami magkaintindihan sa aming pinag-uusapan. Ang hirap pala na may kasama kang naiiba ang pagkakaintindi sa usapan dahil hindi makarinig ng maayos. Madalas ay isinusulat ko na lang ang gusto kong sabihin sa kanya.

Sinabihan ko na po si Nick na mag-hearing aid. Pero dahil likas siyang balidoso, ayaw niya. Sagabal lang daw sa kanya ito at hindi siya komportable na may nakasukbit sa tenga niya.

Paano ko po kaya makukumbinsi ang mister ko na mag-hearing aid, para ma-enjoy naman namin ang pag-uusap? Sa totoo lang po, Dr. Love may pagkakataon na gusto ko nang sumuko sa pag-aalaga sa kanya. Dahil matigas ang ulo niya. Sana po ay ma­bigyan ninyo ako ng praktikal na solusyon.
Maraming salamat at more power.                            

Gumagalang,

Alicia

Dear Alicia,

Subukan mong samahan ang asawa mo sa isang espesyalista. Siya ang makakapagpaliwanag nang mabuti tungkol sa kondisyon ng asawa mo at maaaring makakumbinsi rin sa paggamit ng hearing aid. Sa pagkakaalam ko, marami nang klase ng hearing aid. Ang ilan ay hindi na halos mapapansin na suot ng taong gumagamit nito.

Ang kailangan ng asawa mo ay malawak na pang-unawa at tiyaga, gaya ng sinumpaan ninyo sa altar nang magpakasal kayo. Kaya huwag ka sanang manghinawa sa pag-aaruga sa kanya. Higit ka niyang kailangan dahil sa kondisyon niya.

DR. LOVE            

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with