^

Dr. Love

Natipuhan ng marino

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang marino sa US ang nakilala ko sa social­ media at may dalawang taon na kaming magkaibigan. Naakit daw siya sa beauty ko at ma­gandang disposisyon sa buhay.

Ang sabi ni Glenn, natutuwa siyang malaman na may reserbasyon ako para sa sarili. Pareho raw kami dahil bagaman Italian siya ay mahalaga pa rin sa kanya ang mga kauga­liang tradis­yonal.

Unti-unti ay nakilala namin ang bawat isa nang lubos, dahil naging madalas na ang aming  on-line chatting. Sinabi ni Glenn na malungkot ang buhay sa gitna ng karagatan. Maliban na lang kung makadaong sila sa  isang base para mag-refuel o i-check ang kanilang military ship.

Dr. Love, nararamdaman ko po na nagkakaroon na ako ng feelings kay Glenn at nanga­ngarap na sana minsan ay mapadpad ang kanilang barko sa Pinas para magkita kami at alukin niya ako ng kasal. May unawaan na kasi kami, Dr. Love.

Pero isang araw ay gumuho ang lahat nang tanungin ko siya kung kailan siya bibisita sa akin para mas magkakilala pa kami. Malungkot niyang sinabi na nakatakda na siyang pakasal sa babaeng pinili ng kanyang pamilya.

Pero kahit anya kasal na siya, nais niyang magpatuloy ang aming pagkakaibigan. Hindi ko po alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Parang ibang Glenn na ang ka-chat ko.

Iniyakan ko po ang sinabi ni Glenn sa akin. Makakabuti pa po ba kung patuloy ako sa pakiki­pagkaibigan sa kanya?

Payuhan mo po ako. Hihintayin ko po ang inyong kasagutan at maraming salamat.

Gumagalang,

Sarah

Dear Sarah,

Walang masama kung natitiyak mo sa sarili mo na hanggang magkaibigan na lang kayo. Pero dahil nasasaktan ka kamo, kakayanin mo bang makipag-usap pa rin sa kanya? Kung hindi­, kalimutan mo na. At sa susunod na may makilala kang lalaki, marino man o hindi, na mag­papahayag ng interes sa’yo, huwag munang mag-assume para hindi ka masaktan.

Para sa akin, mas mainam pa rin na maki­lala nang personal ang isang tao para maka­tiyak kang may sinsiredad siya at nagsasabi ng totoo. Kapag magkakilala na kayo ng husto, mas masasabi mo na kung siya ba ang partner na gugustuhin mo o hindi.

DR. LOVE

 

 

vuukle comment

CEBU NEWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with