Maganda pala!
(Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2016 - 9:00am

Dear Dr. Love,

Hope everything is fine with you. Ako po ay lumiham dahil gusto kong humingi ng payo sa pag-ibig.

Tawagin mo na lang akong Julian, 21-anyos at isa pang binata. Noong mga bata pa ang tatay ko at ang kanyang best friend, nagkasundo raw sila na kung magkaroon sila ng mga anak na babae o lalaki ay ipagkakasundo ang dalawa para maging mag-asawa.

Nag-abroad ang kaibigan ng tatay ko at nagbalik sa Pilipinas kasama ang anak na babae na ipakikilala raw sa akin. Inis na inis naman ako dahil sinabi ko sa kanya na hindi ako magpapa­kasal sa babaeng ‘yun.

May girlfriend kasi ako na kasamahan ko sa trabaho. One year na kami.

Pero nang dumating sa aming bahay ang kaibigan ng tatay ko kasama ang anak ay napa-wow ako sa aking sarili. Mestisang Amerikana ang anak at napakaganda.  Parang nagkakaisip ako na makipag-break sa girlfriend ko para sa babaeng ito.

Tama ba ang gagawin ko?

Julian

Dear Julian,

Baka naman nasilaw ka lang sa kagandahan ng babaeng ipinagkasundo sa iyo. Mag-isip-isip ka munang mabuti. Mahalaga ang tunay na pag-ibig bago magpakasal.

Alalahanin mo na iba ang pag-ibig sa physical attraction. Maraming relasyon ang nasira dahil ang kinonsidera ay ang panlabas na anyo lang at hindi ang panloob.

Mabuti pa, maging magkaibigan muna kayo para mas magkakilala ng malalim.

Dr. Love

ACIRC AKO ALALAHANIN ANG DEAR JULIAN DR. LOVE INIS MAHALAGA MARAMING MESTISANG AMERIKANA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with