Dahil sa date na may chaperon
(Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2015 - 9:00am

Dear Dr. Love,

Pareho kaming kinse anyos nang maging mag-girlfriend ni Letty. May ilang taon na rin po kaming magkarelasyon, pero nayayamot ako dahil hindi kami makalabas nang walang kasamang chaperon.

Malinaw sa aming dalawa ni Letty na para kami sa isa’t isa pero ni minsan ay hindi pa kami nakakapanood ng sine o kaya’y overnight party, dahil hindi siya pwede sa ganun.

Ang sabi ni Letty, dapat kaming maghintay hanggang sumapit ang tamang edad na marunong na kaming magkontrol sa sarili. Scholar po si Letty, kaya kailangan na mapanatili ang magandang record niya sa school.

At ako bilang lalaki ay masyadong agresibo kaya kung ayaw ni Letty, sumasama ako sa barkadang babae ng kaklase ko. Mapagbigay si Charmi kahit sa unang ratsada pa lang ng aming paglabas. Nakalimutan ko ang kasunduan namin ni Letty.

Ngayon po hindi ko akalain na magkakaroon ng problema, kinausap ako ni Charmi dahil hindi na siya dinatnan ng mens. Ano po ang gagawin ko? Dapat ko bang sabihin kay Letty ang tungkol sa amin ni Charmi? Si Letty po ang mahal ko at ayaw ko pang mag-asawa. Paano ko po malulusutan ang problemang ito, Dr. Love?

Gumagalang,

Dominic

Dear Dominic,

Andyan na ‘yan, kaya ang tanging magagawa mo ay harapin ang resulta ng pagka-agresibo mo. Sa ayaw mo o sa gusto, ipagtapat mo sa iyong mga magulang ang nangyari. Anuman ang maging reaksiyon nila, tanggapin mo. Wala namang magulang na papalakpak sa tuwa sa sandaling malaman na nakabuntis ang high school nilang anak.

Dapat din malaman ni Letty ang tungkol dito, para hindi siya umasa.

Sa sitwasyong kinasasangkutan mo ngayon, sana’y natutunan mo na ang mahalagang aral tungkol sa pagkokontrol sa sarili.

DR. LOVE

ANDYAN ANG ANO ANUMAN CHARMI DAPAT DEAR DOMINIC DR. LOVE LETTY SI LETTY STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with