^

Bansa

House nais ipasagot na rin dialysis meds sa PhilHealth

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang PhilHealth na pag-aralan kung maaari nilang sagutin na rin ang gamot na ginagamit sa pagpapa-dialysis  ng mga diabetic patients.

Ayon kay House ­Deputy Majority Floor leader Erwin Tulfo, ito ang nais ng mga mambabatas sa Kongreso para mabawasan o tuluyan ng malibre ang gamot ng mga may acute diabetes sa bansa.

“4.5 milyong Pilipino ang may diabetes at halos kalahati nito ang nagpapa-dialysis ng isa hanggang tatlong beses isang linggo,” ani Cong. Tulfo.

Dagdag pa ng ACT-CIS Representative, “umaabot kasi ng P900 hanggang P1,500 ang injection pagkatapos ng  dialysis session ng isang pasyente”.

Ayon kay Tulfo, “may instruction si Speaker Romualdez na pag-aralan agad ng PhilHealth kung papaano malibre o sagutin na lang nila ang gamot, totally”.

Maraming mga dialysis patients daw kasi ang lumapit na kay Romualdez para hilingin na gawin na lang libre ang gamot o makakuha sila ng discount man lang.

“Sabi ni Speaker sa kanila naiintindihan nya ang bigat ng gastusin sa halos araw-araw ng pagpapa-dialysis”, ayon kay Tulfo.

“The house leadership want to unload o bawasan itong pasanin sa pagpapa-dialysis”, ayon sa mambabatas.

Sa ngayon sinasagot na ng PhilHealth ang pagpapadialysis ng mga miyembro nito pero ‘di pa kasama ang gamot.

vuukle comment

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with