^

Bansa

Paggamit ng VCMs ng Smartmatic sa 2025 polls ikonsidera – solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Paggamit ng VCMs ng Smartmatic sa 2025 polls ikonsidera � solon
This file photo shows a vote-counting machine used by the Commission on Elections
STAR/File

MANILA, Philippines — Hinikayat nitong Miyerkules ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang Commission on Elections (Comelec) na ikonsidera ang panukala ng Smartmatic Philippines na gamitin ang mga Vote Counting Machines (VCMs) upang makatipid ito ng bilyong halaga sa 2025 midterm elections sa bansa.

Ang Smartmatic ay may mahigit 90,000 VCMs na pinaupahan nito sa poll body simula pa noong 2015. Base sa liham ng Smartmatic sa Comelec kamakailan, nasa 93,977 precints na nakabase sa Optical Mark Readers (OMR) at ang kanilang Election Management System (EMS) ay saklaw ng warranty na nagpapalawig sa tatlong magkakasunod na nasyonal at lokal na elections matapos ang 2016 polls.

Ayon kay Rodriguez, pag-aari ng Comelec ang Automated Election System (AES) software, vote counting system, Consolidated Canvassing Systems (CCS) o ang overall na sistema na ginamit noong 2025 elections na binili ng poll body sa halagang P402.73 milyon noong 2021.

At dahil dito ay walang pangangailangan, ayon pa sa solon na bumili muli ng mga bagong machines ang Comelec para sa 2025 midterm elections.

Magugunita na iniaward ng Comelec ang kontrata para mangolekta at bilangin ang boto sa 2025 polls sa nag-iisang lone bidder na South Korean company na Miru Systems Co. Ltd. matapos idiskuwalipika ang Smartmatic.

Kamakailan ay pinawalang bisa ng Korte Suprema ang resolusyon ng Comelec na sinabing nasangkot sa grave abuses of discretion sa pagdiskuwalipika sa Smartmatic na mahabang panahon nang ka-tandem ng poll body sa national at local elections sa bansa.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with