^

Bansa

DOH bineberipika 6 nasawi sa matinding init

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOH bineberipika 6 nasawi sa matinding init
People buy coconut water to cool themselves along a road in Manila on April 24, 2024, as extreme heat affected the country.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin umanong biniberipika ng Department of Health (DOH) ang ulat na anim na indibidwal ang namatay dahil sa mga heat-related illnesses, bunsod na rin ng matinding init na nararanasan ngayon sa bansa.

Ayon kay DOH Secretary Teodoro Herbosa, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon upang matukoy kung matinding init nga ba talaga ang ikinasawi ng mga naturang indibidwal.

Batay sa ulat ng Event-Based Surveillance and Res­ponse System ng DOH noong Abril 22, nakagpagtala na sila ng 34-kaso ng heat-related illnesses mula Enero 1 hanggang Abril 8, 2024.

Sa naturang bilang, anim ang iniulat na bawian ng buhay.

Nagpahayag naman ng paniniwala si Herbosa na posibleng mas marami pang indibidwal ang apektado ng heat-related illnesses ngunit hindi lamang ito naitatala.

Paliwanag ng kalihim, karaniwan nang hindi naman nagtutungo sa pagamutan ang mga pasyente ng mga heat-related illnesses.

Tanging ang mga may malalang karamdaman lamang aniya gaya ng heat stroke at heat exhaustion ang nagpapadoktor.

“The ones that go to us are already the severe type, which is heat stroke or heat exhaustion,” aniya pa.

Mahigpit naman ang payo ni Herbosa sa mga mamamayan na pag-ingatan ang kanilang kalusugan ngayong matindi ang init ng panahon upang makaiwas sa matinding karamdaman.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with