^

Bansa

Bong Go: Ibang nurse patay na, HEA wala pa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang pakikiisa sa mga healthcare worker kung kaya patuloy siya sa pag-follow up sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan upang mai-release na ang nakabinbing Health Emergency Allowance (HEA) ng mga ito.

Sa ikatlong pagdinig ng  Senate committee on health and demography na pinamumunuan mismo ni Go, muling inukilkil ng senador ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Health (DOH) hinggil sa hindi pa naibibigay na HEA ng healthcare workers, alinsunod sa batas.

Isa si Go sa nagsusulong ng Republic Act No. 11712 o ang Public Health Emergency Bene­fits and Allowances Act na magbibigay ng mga benepisyo at iba pang allowance sa mga pampublikong manggagawa sa kalusugan sa bansa.

Ngunit sa ngayon, pa­tuloy sa pakikibaka ang HCWs upang matanggap  na ang nararapat nilang tangga­ping benepisyo at allowance mula sa kanilang naging serbisyo sa panahon ng state of public health emergency dahil sa COVID-19 pandemic.

“Parati kong sinasabi, sila po ang hero ng panahon ng pandemya. Pinagserbisyohan na po nila ito, dapat po ay ibigay sa kanila kung ano po ang nararapat sa kanila. Hindi na sila dapat magmakaawa. Para sa kanila naman po iyon, ayon sa batas,” ayon kay Go.

“May mga nurse na nakaalis na po ng bansa, iyong iba po’y namatay na, hindi pa nila nakukuha ‘yung kanilang HEA. Wala ba itong katapusan?” ang malungkot na sabi ni Go.

Ayon sa senador, hangga’t hindi nababayaran ang HEA ng HCWs ay hindi siya titigil sa pangangalampag sa mga ahensiya ng gobyerno, partikular sa DBM at DOH.

Nagsabi naman ang mga opisyal ng dalawang ahensiya na ginagawa na nila ang lahat para mailabas ang HEA ng HCWs bilang tugon sa pakiusap at panawagan ni Sen. Go.

vuukle comment

BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with