^

Bansa

DOH: Kaso ng COVID-19, tumataas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOH: Kaso ng COVID-19, tumataas
Individuals walk along the LRT Monumento Station during rush hour in Caloocan on May 16, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ngunit tiniyak na hindi ito sapat na basehan upang magpatupad ng travel restrictions.

Sa isang pahayag, siniguro rin ng DOH na ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay nananatili pa rin namang nasa ‘low risk’ sa COVID-19.

Sa datos ng DOH, hanggang noong Mayo 12, 2024 ay nasa 11% o 119 mula sa 1,117 dedicated COVID-19 ICU beds ang okupado habang 13% o 1,238 ng 9,571 dedicated COVID-19 non-ICU beds ang ginagamit.

Ang mga severe at critical COVID-19 cases naman na naka-admit sa iba’t ibang pagamutan ay nasa 116 lamang, base na rin sa mga ulat ng mga pagamutan sa DOH Data Collect application.

Mula Mayo 7-13, 2024 nasa 877 new COVID-19 cases ang naiulat, o may average na 125 kaso kada araw.

Kabilang anila dito ang pitong pasyente na may severe o critical disease habang lima ang namatay dahil sa karamdaman, na naganap mula Abril 30-Mayo 13.

“It is important to note that by law, doctors, their clinics, hospitals and other facilities are required to accurately and immediately report cases of CO­VID-19, whether tested by PCR or rapid antigen test. This will help guide public health decision-making,” anang DOH.

Batay sa May 17, 2024 World Health Organization (WHO) COVID-19 Epidemiological Update, mayroong tatlong bagong variants under monitoring (VUM) kabilang dito ang JN.1.18, KP.2 at KP.3, na pawang descendants ng JN.1.

Ang variants na KP.2 at KP.3 ay ang tinaguriang “FLiRT” variants.

Tiniyak naman ng DOH na wala pang nakikitang sapat na ebidensiya na magpapatunay na ang mga naturang variants ay nagreresulta sa severe to critical COVID-19, locally man o internationally.

Payo pa ng DOH, the best pa rin para sa mga taong may karamdaman na manatili na lamang sa kanilang tahanan o di kaya ay magsuot ng face mask kung hindi maiiwasang lumabas ng bahay.

vuukle comment

COVID

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with