DOJ, DOLE pinuri sa pagkontra sa Magna Carta for Seafarers Bill
MANILA, Philippines — Pinuri ng Philippine Trade and General Workers Organization (PTGWO-TUCP) sina DOLE Secretary Bienvenido Laguesma at DOJ Secretary Crispin Remulla dahil sa paninindigan nila laban sa probisyon sa Magna Carta for Seafarers Bill.
Ito ay para sa isang legal na opinyon na inilabas ng DOLE, at sinang-ayunan ng DOJ, laban sa pagpataw ng execution bond sa mga award ng disability claims, bago makuha ng mga manggagawang mandaragat ang award na kanilang napagtagumpayan mula sa pinal na hatol ng National Labor Relations Commission (NLRC) at ng Voluntary Arbitrator sa ilalim ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB-DOLE).
Ang PTGWO ay kasalukuyang pinakamalaking labor federation pagdating sa individual membership, na may mahigit na 100 labor unions sa ibat ibang industriya, base sa record ng Bureau of Labor Relations. Kaakibat din sila ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na isa sa pinakamatandang labor organization sa bansa na itinatag noong 1953.
Layon ng panukalang Magna Carta for Seafarers ay masiguro ang proteksyon at kapakanan ng mga Pinoy Seafarers sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang karapatan at mga mekanismo para sa pagpapatupad ng Maritime Labor Convention of 2006.
Nagpasalamat din ang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil hindi nya pinirmahan ang naunang version Magna Carta for Seafarers. Ang bond provision na ito ay tunay na violative ng equal protection clause, anti-labor at anti-OFW, na lubhang pinahihirapan ang pagtanggap ng award na panalo ng seafarers.
- Latest