122 appointed, promoted prosecutors nanumpa na sa DOJ
MANILA, Philippines — Nakapanumpa na kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang 98 mula sa 122 newly-appointed at promoted prosecutors ng departamento.
Si Justice Undersecretary Nicholas Felix L. Ty ang nagpanumpa sa tungkulin sa mga prosecutors, sa ngalan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Sa 122 newly appointed at promoted na prosecutors, 54 ang bagong prosecutors na itinalaga ni Pang. Marcos noong Marso habang 68 ang binigyan ng promosyon ng NPS.
Lima sa kanila ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Office of the Secretary of Justice Prosecution Staff (OSJPS), habang ang iba pa ay itatalaga naman sa mga prosecution offices sa Regions I to IV, kabilang na ang National Capital Region (NCR).
Sa mensahe ni Remulla para sa mga naturang prosecutors, na binasa ni Ty, hinikayat ng kalihim ang mga bagong prosecutors na yakapin ang kanilang mga tungkulin.
“You are not just legal professionals; you are the gatekeepers of criminal justice,” paalala pa ni Remulla. “You hold a critical role in ensuring that the rule of law is upheld, that the rights of individuals are protected and that justice is served without fear or favor.”
Hinikayat naman ni Justice Undersecretary Jesse Hermogenes T. Andres ang mga prosecutors na ipakipaglaban ang mga taong hindi kayang ipaglaban ang kanilang sarili at maging boses ng mga walang tinig.
Kumpiyansa ang DOJ na ang appointment at promotion ng mga naturang prosecutors ay makakatulong sa heavy workload ng National Prosecution Service (NPS), na magreresulta sa mas mabilis na resolusyon ng mga kaso sa bansa.
- Latest