^

Bansa

P12 milyong ayuda sa mahihirap, nasunugan sa Puerto Princesa, ipinamahagi ni Romualdez

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamimigay ng tulong sa mga mahihirap na pamilya at mga biktima ng sunog sa Puer­to Princesa City.

Si Romualdez ang itinalagang caretaker ng ikatlong distrito ng Palawan matapos pumanaw si dating kinatawan at mayor ng Puerto Princesa City na si Edward Hagedorn noong Nobyembre.

“It is a duty I embrace with the utmost seriousness-to ensure that you the heart and soul of our community-are supported and uplifted during these trying times,” ani Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

Pinangunahan ni Romualdez ang ceremo­nial distribution ng ayuda sa ilalim ng CARD program na ginanap sa Provincial Capitol Convention Center kung saan mahigit 2,000 ang benepisyaryo.

Ang bawat benepisyaryo ay tatanggap ng P3,000 cash assistance at P5 kilong bigas na may kabuuang halagang P7 milyon.

Nagpasalamat si Romualdez kay DSWD Secretary Rex Gatcha­lian sa napapanahong pagtulong nito sa mga biktima ng sunog at mga mahihirap na residente ng ikatlong distrito ng Palawan.

“Umasa po kayong mga taga-Puerto Prince­sa na ang inyong lingkod ay kasama ninyo sa lahat ng pagsubok na daraanan. At gagawin natin ang lahat, ayon sa bata upang maiabot ang inyong mga pangangailangan tungo sa sabay-sabay na­ting pag-unlad,” sabi ni Romualdez.

Sa isa pang event na ginanap sa Mendoza Park, pinangunahan naman ni Speaker Romualdez ang ceremonial distribution ng nasa P4.8-milyong cash assistance sa may 700 pamilya na biktima ng sunog.

Ang mga ito ay binigyan ng P2,500 hanggang P10,000 cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situa­tion (AICS) program ng DSWD.

Nakatanggap din sila ng relief pack mula sa PAGCOR at youth group na NextGen.

Noong Pebrero 7, isang malaking sunog ang tumupok sa kabahayan ng may 681 pamilya sa Barangay Bagong Silang at Pagkakaisa. Nasa 19 pamilya naman ang apektado sa sunog noong Pebrero 14 sa Barangay San Miguel.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with