SENISKWELA cross cultural art program isinagawa
MANILA, Philippines — Kasabay ng ika-60 anibersaryo ng bilateral relation ng Malaysia at Pilipinas, nagsagawa ng cross cultural program na pinamagatang SENISKWELA ang Embassy of Malaysia, Tourism Malaysia, Artdialogo Asia Founding Artist & CEO Ms. Anna Karina Jardin at Division of City Schools ng Malabon sa Tinajeros National Highschool Malabon City nitong Pebrero 26.
Ang SENISKWELA ay kinabibilangan ng drawing/painting competition, art workshop, panel discussion at breakout sessions upang ipakita ang talento, galing at kakayahan ng bawat mag-aaral.
Mula ang salitang SENISKWELA sa Bahasa Melayu na nangangahulugan na Art, “Seni” at tagalog ng salitang “SKWELA” o “eskwelahan,” para sa mga manlilikha, kabataan at educators para sa bagong kultura at tradisyon.
Naniniwala ang mga organizers ng SENISKWELA, na makatutulong ng malaki sa mga participants ang events upang mapalawak pa ang kanilang talento at makilala sa ibang panig ng mundo kasabay ng pagpapakilala ng sariling kultura.
- Latest