Pangulong Marcos sa mayors: ‘Pagandahin buhay ng constituents’
MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga alkalde sa Pilipinas na magsulong ng mga proyektong magpapaganda sa buhay ng kanilang constituents.
Sa kanyang talumpati sa 2024 General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines, hinikayat ng Pangulo ang municipal mayors na mamuhunan sa pangmatagalang mga imprasktraktura na pakikinabangan ng kanilang mga kababayan.
Ayon sa Presidente, iba na ang panahon ngayon kaya kailangan din ng pagbabago sa diskarte ng mga namumuno.
Iginiit pa ng Pangulo na hindi nila dapat isipin kung hindi man matapos sa kanilang termino at hindi sila ang kilalanin sa mga proyekto.
Ang mahalaga anya ay maganda ang nagawa nila at nakatulong sila para gumanda ang buhay ng kanilang constituents.
Binigyang diin pa ni PBBM na dapat kumilos ang mga lokal na pamahalaan nang naaayon sa pangangailangan ng mga tao.
- Latest