Investment muna bago Cha-cha - Zubiri
MANILA, Philippines — Sa halip na pag-usapan ang panukalang pag-amyenda sa Konstitusyon o charter change (Cha-cha), mas mabuting talakayin muna ang mga isyu sa pagdagdag ng foreign investment sa bansa.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri sa panayam ng DZBB, ang pulso ng mga senador ay huwag munang talakayin ang Chacha na isinusulong ng Kamara at sa halip ay unahin ang dagdag na foreign investment sa bansa.
Bukod dito, sinabi pa ni Zubiri na mayroong ilang senador ang nagpahiwatig na hindi ngayon ang panahon para pag-usapan ang Cha-cha kabilang na dito sina Senators Imee Marcos, Cynthia Villar at Senate Minority leader Koko Pimentel.
Paliwanag pa ng Senate Presidente na dalawa na lamang ang dumagdag sa kontra ay wala na silang boto sa Senado, kaya wala rin siyang maipapangako sa Presidente.
Sa ngayon ay nasa Christmas mood pa aniya sila at wala munang away, ceasefire rin muna sa pagitan ng Senado at Kongreso at dapat ay happy thoughts muna sila.
Nauna nang sinabi ni Zubiri na dapat ay magkaroon muna ng survey para matimbang kung pabor ang mga Filipino na baguhin o hindi ang saligang batas.
- Latest