Padilla nais mag-resign dahil 'walang chicks' sa Senado; hirit di patok sa kababaihan
MANILA, Philippines — Humihingi ng public apology ang isang kinatawan ng progresibong kababaihan sa Kamara mula kay Sen. Robinhood Padilla matapos magpakawala ng mga pahayag ng hitik na hitik sa "mysogyny" at "toxic masculinity."
Miyerkules lang kasi nang mag-guest ang action-star-turned-senator sa Kapihan sa Manila Bay Forum, kung saan tinalakay ang panukala niyang pagbabago sa 1987 Constitution.
Sabi niya roon, gusto na niyang magbitiw bilang senador dahil sa hindi siya "makapag-chicks" sa trabaho.
"We would like to remind Senator Robin Padilla that his job is to address gaps in current laws and not womanizing. Women should not be treated like mere objects that men can use on their spare time," wika ng Gabriela Women's Party Rep. Arlene Brosas, Huwebes.
"His statement is unbecoming of a public official, and a violation of the Code of Conduct for Public Officials which states that public officials must uphold the public interest over and above personal interest. Moreover, it reeks of misogyny and toxic masculinity which should not be tolerated in this society."
Sa pananaw ng mambabatas, ginawa ito ni Padilla ang mga "uncalled for macho theatrics" bilang tangkang "ilihis" ang mga kontrobersiya kaugnay ng Charter Change.
Matatandaang isa si Padilla sa mga nagtutulak ng pederalismo matapos maihalal bilang senador, bagay na isang klarong political amendment sa Saligang Batas.
"If Senator Padilla is still confused on whether to serve the people or continue womanizing in the Senate, we suggest that he contemplate if he is still fit to work as a public servant," dagdag pa ni Brosas.
"We urge Senator Padilla to issue a public apology and uphold his sworn duty as a legislator with utmost devotion and respect to Filipino women."
Ano ba kasing sinabi ni Binoy?
Kahapon lang kasi nang sabihin ni mangako si Robin na lilimitahan lang niya sa pagbabago ng "economic provisions" ang mga gusto niyang pagbabago sa Saligang Batas.
Wala raw siyang planong gamitin ito upang lalong mapahaba ang kanyang pagkapit sa kapangyarihan, bagay na madalas mapag-usapan tuwing itinutulak ang usapin ng Cha-Cha.
"Kunin na lang po ninyo ang salita ng isang rebolusyonaryo. Ako po'y hindi politiko. Ako po'y pinilit lang na pumasok dito sa pulitika... Maniwala po kayo sa akin, hindi po ako kapit-tuko sa posisyon ko," paliwanag niya.
"Araw-araw po na ginawa ng Diyos, wala po akong gustong gawin kundi mag-resign. Hindi po ako makapag-chicks dito. Ang hirap, totoo po 'yan."
Kilalang tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte — na may rekord din ng mga pahayag na nakababastos sa kababaihan — si Padilla.
Ngayong buwan lang nang mabatikos si Padilla dahil sa mga kontrobersyal niyang pahayag, gaya na lang ng pagdedepensa niya sa "physical bullying" at "torture," bagay na nakatutulong pa nga raw sa mga bata.
- Latest