^

Bansa

Marcos, Sara iprinoklama na!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Marcos, Sara iprinoklama na!
Newly proclaimed President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sits beside Vice President-elect Sara Duterte-Carpio, incoming first lady Atty. Liza Araneta-Marcos, former president Gloria Macapagal Arroyo, and former first lady and congresswoman Imelda Romualdez-Marcos at the Plenary Hall in Batasang Pambansa on Wednesday.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Iprinoklama na kahapon sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Sara Duterte-Carpio bilang nagwaging Pangulo at Pangalawang Pangulo sa katatapos na May 9 elections.

“I proclaim Ferdinand Romualdez Marcos Jr. as the duly elected President of the Republic of the Philippines and Sara Zimmerman Duterte as the duly elected Vice President of the Republic of the Philippines,” pahayag ni Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Lord Allan Velasco sa joint session ng Congress kahapon.

Natapos ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na tumatayong National Board of Canvassers ang pagbibilang ng boto.

Eksaktong alas-3:33 ng hapon kahapon nang isara ng Joint Canvassing Committee na pinamumunuan nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at House Majority Leader Martin Romualdez ang pagdedeklara na nakumpleto na ang pagproseso sa 173 certificate of canvass (COC).

Tinapos ang canvassing kahit na hindi pa nabibilang ang boto sa overseas absentee voting mula sa Argentina at Syria.

Tumagal lang ng dalawang araw ang pagbibilang ng boto na pinakamabilis sa kasaysayan matapos hindi na kuwestyunin pa ng mga kalabang partido ang malaking kalamangan ni Marcos.

Base sa huling datos, umabot sa 31,629,783 ang nakuhang boto ni Marcos Jr. na mahigit doble sa 15,035,773 boto ng kanyang malapit na katunggali na si outgoing Vice President Leni Robredo.

Samantala, 32,208,417 naman ang nakuhang boto ni Duterte-Carpio, habang ang second placer na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ay may 9,329,207.

Si Marcos ay sinamahan ng kanyang maybahay na si Attorney Liza Araneta-Marcos, anak na si Simon, at inang si dating First Lady Imelda Marcos. Dumalo rin ang kanyang mga kapatid na sina Senator Imee Marcos at Irene.

Bandang 3:48 ng hapon nang dumating si Duterte habang si Marcos ay pasado alas-4 ng hapon na parehong lulan ng chopper na lumapag sa parade ground ng Batasang Pambansa.

Kasama ni Duterte-Carpio sina dating President Gloria Macapagal-Arroyo at Davao Occidental Governor Claude Bautista.

Wala naman si President Rodrigo Duterte sa proklamasyon ng kanyang anak.

Si Marcos, 64, ang magiging ika-17 Pangulo ng Pilipinas. Papalitan niya si Rodrigo Duterte na bababa sa puwesto sa Hunyo.

Si Duterte-Carpio na magdiriwang ng kanyang ika-44 taong kaarawan sa Mayo 31 ang magsisilbing ika-15 Vice President ng bansa.

Ang dalawa ay manunungkulan sa Hunyo 30, alinsunod sa batas.

BBM

DUTERTE

MARCOS

SARA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with