^

Bansa

JV Ejercito duguan matapos sumemplang sa bisikleta sa Roxas Blvd.

Philstar.com
JV Ejercito duguan matapos sumemplang sa bisikleta sa Roxas Blvd.
Makikitang puno ng galos si 2022 senatorial bet at dating Sen. JV Ejercito matapos masangkot sa isang road crash, ika-22 ng Nobyembre, 2021
Mula sa Facebook page ni JV Ejercito

MANILA, Philippines — Nadisgrasya ang isang dating senador habang nagbibisikleta sa kahabaan ng isang mayor na kalye sa Metro Manila ngayong araw, dahilan para magtamo ng sari-saring injuries.

Sa paskil ni dating Sen. JV Ejercito, Lunes, tumama siya sa isang "pothole" habang nagso-solo ride sa Roxas Bouldevard. 

"I lost control as my front wheel wobbled, then fell hard on my bike. Hopefully I’ve no internal hemorrhage, will have CT Scan later to be sure," sabi ni Ejercito, na kakandidato uli sa pagkasenador sa 2022.

"Thank you to Manong UV Express who rescued me. Ride safe everyone! Ingat tayo sa kalye."

Tumaas ang popularidad ng pagbibisikleta ngayong pandemya, dahil na rin sa kakulangan ng opsyon sa public transportation dahil sa mga paghihigpit laban sa COVID-19.

 

Kapansin-pansin sa kanyang paskil na puno ng bukol ang kanyang ulo habang duguan naman ang kanyang braso't pantalon. Nagtamo rin ng pinsala ang kanyang bisikleta.

Anak ng napatalsik na dating Presidente Joseph "Erap" Ejercito Estrada, kilalang motorcycle rider din si JV — isang moda ng transportasyon na prone sa road crashes.

 

 

Maliban kay JV, tatakbo rin sa pagkasenador ang kanyang kontrobersyal niyang kapatid na si Jinggoy Estrada.

Nangyayari ito kahit una nang sinabi ni Jinggoy na iisang Ejercito-Estrada lang dapat ang tumakbo sa pagkasenador, lalo na't isa raw ito sa mga dahilan kung bakit pareho silang hindi nakasungkit ng pwesto sa Mataas na Kapulungan noong 2019. — James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

BICYCLE

JV EJERCITO

ROAD CRASH

ROXAS BOULEVARD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with