^

Bansa

Jinggoy Estrada iniisip uli tumakbo sa 2022 kahit pork barrel case pending pa

James Relativo - Philstar.com
Jinggoy Estrada iniisip uli tumakbo sa 2022 kahit pork barrel case pending pa
Litrato nina dating Sen. Jinggoy Estrada (kanan) at dating Sen. JV Ejercito (kaliwa)
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Umaasa si Jinggoy Estrada na magkakaroon ng resolusyon sa kanyang mga kaso kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam bago ang filing ng certificate of candicy para sa 2022 elections — pero kung nagkataon, sana'y isang Estrada lang daw ang kumandidatong senador this time around.

Aniya, lumalakas ang loob niya sa mga lumalabas na survey, lalo na't nasa "winning circle" pa rin siya. Matatandaang tumakbo siya noong 2019 ngunit natalo.

"There is a strong possibility that I might run for the Senate again... I'm inclined to run," wika niya sa panayam ng ANC, Miyerkules.

"Malaking tulong sa akin yun, yung pagka-acquit ni Sen. Bong Revilla, kasi almost similar yung aming kaso. Masaya ako dahil na-acquit yung aking best friend at siguro I’m praying ganun din lumabas yung aking kaso."

Isa si Estrada sa mga dating senador na inaakusahan at kinasuhan kaugnay ng pagtanggap diumano ng "kickback" mula sa pagbuhos ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa mga pekeng NGO, kasama sina Revilla at dating Sen. Juan Ponce Enrile.

Kamakailan lang nang iabswelto ng Sandiganbayan si Revilla mual sa 16 kaso ng graft kaugnay ng pork barrel scam, bagay na hindi naman daw nakaaapekto sa anti-corruption drive ng gobyerno, ayon sa Malacañang nitong Martes.

"I am just hoping that the Supreme Court will resolve or decide on my case before elections or before [the filing for candidacy in October]. 'Yun ang aking panalangin," dagdag niya.

Nais daw niyang malinis ang kanyang pangalan sa ngayon lalo na't na-"demonize" sila nang husto sa ilalim ng administrasyon ng yumayong Pangulong Noynoy Aquino.

Isa si Jinggoy sa mga inendorso ng partidong Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio noong 2019. Si Duterte-Carpio, na usap-usapang tatakbo sa pagkapangulo sa 2022, ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nag-iisang Estrada/Ejercito sa 2022?

Isa sa mga nakikitang dahilan kung bakit natalo si Jinggoy sa pagkasenador noong nakaraang halalan ang pagtakbo rin ng kanyang half-brother na si dating Sen. JV Ejercito.

Dahil diyan, isa raw sa mga tinitignan niyang salik kung tatakbo sa 2022 ang magiging desisyon ng kapatid.

"Mabuti na 'yung iisa lang ang Estrada ang tumakbo kasi minsan nalilito ang ating mga botante kung sino sa aming dalawa. Siguro it’s high time that we get to talk to each other," dagdag pa niya.

Dati na ring sinisi ni JV si Jinggoy sa pareho nilang pagkakatalo sa eleksyon noong 2019.

Posible rin daw sa ngayon na pakiusapan ng kanilang pamilya si Ejercito na kumandidato na lang sa pagkaalkalde sa San Juan City, na pinangungunahan ngayon ni Mayor Francis Zamora.

Sina Jinggoy at JV ay parehong anak ng aktor at dating Pangulong Joseph "Erap" Ejercito Estrada, na dati nang napatalsik sa pwesto't nakulong para sa kasong pandarambong (plunder).

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

JINGGOY ESTRADA

JV EJERCITO

PORK BARREL SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with