Nahawa ng COVID-19 sa Pilipinas humataw na sa 2.81 milyon

Giant traditional parols made of capiz shells adorn the center island of Island Avenue in Makati City following the official lighting of Christmas decorations on Wednesday night, Nov. 4, 2021, to signify the start of the city's start yuletide celebration.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng 1,974 bagong infection ng coronavirus disease, Huwebes, kaya't nasa 2.81 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 2,811,248
  • Nagpapagaling pa: 28,660, o 1% ng total infections
  • Kagagaling lang: 2,388, dahilan para maging 2,737,722 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 142, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 44,866

COVID-19 'alert systems' nationwide na

  • Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 151 na tuluyang magpapatupad ng COVID-19 "alert level systems" sa buong bansa, bagay na paglayo sa mga community quarantine system habang nagluluwag ng restrictions ang gobyerno.

  • Sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 cases sa Pilipinas nitong mga nagdaan linggo at buwan, lumalabas na bumaba ng 30% ang "approval rating" ng mga Pilipinas sa pag-asikaso ng gobyerno sa pandemya, ayon sa pag-aaral na isinagawa ng OCTA Research.

  • Nagtakda naman na ng panuntunan ang mga alkalde ng Metro Manila sa mga magtitinda sa mga Christmas bazaars atbp. seasonal markets sa pagpasok ng holiday season — ang full COVID-19 vaccination ng mga nagtratrabaho sa nasabing lugar.

  • Pwede na uli ang Christmas caroling ngayong Disyembre 2022 sa mga Alert Level 2 areas gaya ng Metro Manila, ayon sa DOH. Gayunpaman, pinapayuhan nilang huwag ditong lumahok ang mga matatandaang senior citizens at mga bulnerable ang kalusugan.

  • Umabot na sa 30.47 milyon ang nakakukumpleto ng COVID-19 vaccine doses sa Pilipinas. Bahagi lang 'yan, 66.81 milyong gamot na naituturok na sa bansa sa ngayon.

  • Sumampa na sa 250.71 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 5.06 milyong katao.

— James Relativo

Show comments