^

Bansa

DOH: Caroling pwede sa Alert Level 2 pero 'seniors,' 'bulnerable' huwag isama

Philstar.com
DOH: Caroling pwede sa Alert Level 2 pero 'seniors,' 'bulnerable' huwag isama
Makikita ang mga Christmas decorations na ito gaya ng mga parol sa San Fernando, Pampanga, ika-5 ng Nobyembre, 2020
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Bagama't hindi pinagbabawalan, may ilang mga paalala ang Department of Health (DOH) pagdating sa mga nagbabalak mangaroling sa dahan-dahang pagluluwag ng sari-saring lugar gaya ng Metro Manila sa Alert Level 2 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Noong Disyembre 2020 ay nagpatupad ng "caroling ban" sa buong Metro Manila dahil sa COVID-19 pandemic. Gayunpaman, kinumpirma kamakailan ng Department of the Interior and Local Government na papayagan na uli ang naturang tradisyong nakagawian ng mga Pinoy.

"Under Alert Level 2 guidelines, there are no explicit provisions against caroling, although [local government units] are encouraged to develop specific guidelines based on their respective local settings," sabi ng DOH nitong Miyerkules ng gabi.

"We remind public that under the 3Cs framework, there are risks for close contacts during transmission under voice-related activities (such as singing), especially if conducted in crowded or closed settings."

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mas maraming nae-emit na "respiratory droplets," na pangunahing paraan ng transmission ng COVID-19, sa pamamagitan ng pagkanta kaysa pagsasalita.

Kaugnay niyan, pinapayuhan ngayon ni presidential spokesperson Harry Roque ang mga kumakanta sa mga videoke bars, na pinapayagan na ngayon sa Alert Legvel 2, na magsuot pa rin ng face masks habang inaawit ang mga paboritong tugtugin.

"Risks may be mitigated if conducted outdoors and outside the household, with appropriate distance from observers, at smaller groups to avoid crowding, and not including the vulnerable and older seniors. Other options include virtual or online caroling," patuloy pa ng DOH kahapon.

Ang mga senior citizens at mga may comorbidites ay kilalang mas bulnerable sa mas malalalang komplikasyon dahil sa COVID-19, maliban pa sa mas mataas na tiyansang mamatay mula rito.

Matatandaang sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na pinapayagan nang lumabas ng bahay ang mga bata, kung kaya't wala siyang nakikitang masama kung babalik sila sa pangangaroling ngayong Kapaskuhan.

Gayunpaman, mainam pa rin naman daw na sumunod sa mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at physical distancing kung plano itong gawin.

Sa huling taya ng DOH kahapon, umabot na sa 2.8 milyon ang nahahawaan ng COVID-19. Sa bilang na 'yan, binawian na ng buhay ang nasa 44,665 katao sa buong Pilipinas. — James Relativo

vuukle comment

CAROLING

CHRISTMAS

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with