22,820 bagong COVID-19 cases naitala ngayong araw sa 'Pinas, bagong record-high

Parents check the self-learning modules and books distributed at General Roxas Elementary School in Quezon City on Sept. 9, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 22,820 bagong infection ng coronavirus disease, Huwebes, kung kaya't nasa 2,161,892 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso: 2,161,892
  • nagpapagaling pa: 166,672, o 7.7% ng total infections
  • bagong recover: 12,337, dahilan para maging 1,960,487 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 61, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 34,733

Fully vaxxed na nagka-COVID sa 'Pinas kakarampot 

— James Relativo

Show comments