^

Bansa

Libong essential workers sa Sulu inayudahan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang matagumpay na pagbubukas ng ika-138 Malasakit Center sa Jolo, agad nagsagawa ng serye ng relief operations ang grupo ni Senator Chris­topher “Bong” Go sa may 3,053 katao na binubuo ng market vendors at mga kasapi ng Tricycle Operators and Drivers Association sa Maimbung, Sulu.

Sa nasabing aktibidad, iginiit ni Senator Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kalusugan ng bawat isa, lalo ngayong nasa krisis ang bansa.

Kaya naman hinimok niya ang mga essential workers na humingi ng medical assistance kung kinakailangan, saan man sa dalawang naitayo nang Malasakit Centers sa probinsiya.

May Malasakit Centers na sa Sulu Provincial Hospital at Sulu Sanitarium, kapwa sa Jolo.

Makaraang masaksihan ang paghihirap ng mga Filipinos sa paghingi ng medical assistance mula sa gobyerno, naging commitment na ni Go ang pagtiyak na ang mga mahihirap at indigent patients ay madali nang magkakaroon ng access sa dekalidad na health care services.

Siya ang nag-akda at nag-isponsor sa Senado ng Republic Act No. 11463, mas kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019, upang ang mga ahensyang gaya ng DOH, DSWD, PCSO, at PhilHealth ay magsama-sama sa iisang opisina sa mga pampublikong ospital para maasistehan ang mga Filipino sa pagbabayad ng kanilang medical expenses.

vuukle comment

JOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with