^

Bansa

Tropa ng militar sa Palawan binisita, pinuri ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binisita ni Senador Christopher “Bong” Go ang tropa ng Air Force na nakatalaga sa Puerto Princesa City, Palawan noong Miyerkules.

Ang pakikipag-usap ng senador sa mga sundalo ay naaayon sa kanyang pagsisikap na suportahan ang mga kawal ng pamahalaan bilang vice chair ng Senate committee on national defense and security.

Tinalakay ni Go sa kanyang pagbisita ang kasalukuyang kalagayan at hamon na kinakaharap ng bansa kasabay ng pagtiyak na ang mga sundalo ay makakukuha ng suporta at mga kailangan upang maisagawa nang epektibo ang kanilang tungkuling protektahan ang mga interes ng bansa.

Sinamantala rin niya ang pagkakataong ipahayag ang kanyang pagpapahalaga sa dedika­syon at sakripisyo ng mga sundalo upang matiyak ang kapakanan at seguridad ng bawat Pilipino.

Binigyang-diin din ni Go ang kanyang legislative efforts para mapahusay ang kapakanan ng uniformed personnel. Naging instrumento siya sa pagsusulong ng ilang batas at programa para palakasin ang pambansang seguridad at isulong ang kapakanan ng militar.

Sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, dinoble ang entry level salary para sa mga unipormadong tauhan na sumasalamin sa kanyang pangako sa pagtataguyod ng kanilang kapakanan at pagkilala sa kanilang mga sakripisyo.

Noong siya ay Special Assistant to the President pa lamang, nakipagtulu­ngan si Go sa mga policymakers upang matiyak na ang pangakong ito ay natupad ng dating ­Pangulo.

Higit pa rito, batay sa tagumpay ng Salary Standardization Law (SSL) 5, na isinulat at itinaguyod ni Go noong 2020, nagbigay ito ng mas mataas na kompensasyon para sa lahat ng manggagawa sa gobyerno.

Si Go din ang co-author ng Republic Act 11549, na nagrerebisa sa minimum height standards para sa mga kandidatong nag-aaplay sa iba’t ibang law enforcement agencies. Kabilang dito ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Samantala, nagbigay ng iba’t ibang anyo ng suporta si Go at ang kanyang Malasakit Team tulad ng grocery packs sa may 730 tropa maging sa mga barangay health workers na nakatalaga roon.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with