^

Bansa

DOTr, handa sa nationwide transport strike ng PISTON

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na handa sila sa panibagong nationwide transport strike na planong ikasa ng mga jeepney drivers at operators sa susunod ng linggo.

Ayon kay DOTr Undersecretary Andy Ortega, preparado naman sila sa anumang protesta o welgang ikakasang muli ng mga transport groups na tumututol sa Public Uti­lity Vehicle Modernization Program (PUVMP) na isinusulong ng pamahalaan.

“Handa naman po tayo sa kanilang either pagwewelga or pagpoprotesta,” pagtiyak pa ni Ortega.

Siniguro rin naman ni Ortega na magiging napaka-istrikto nila at hindi umano nila hahayaang magdulot muli ng trapik ang naturang protesta na makakaabala sa mga commuters at mga motorista.

“We will be very strict. Hindi po natin pwedeng hayaan yung ating mga kasamahan na mag-cause ng traffic. Hindi po natin pwede hayaan yung ating mga kasamahan or rather yung nasa sector ng transportation, para maabala yung ating commuters,” aniya pa.

Una nang sinabi ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON) na magkakasa silang muli ng malawakang transport strike sa Abril 29, Lunes, at 30, Martes, bunsod na rin nang pagtatapos na ng April 30 consolidation deadline na unang bahagi ng PUVMP.

Noong Abril 15 at 16 ay nagdaos na rin ng nationwide transport strike ang PISTON at grupong Manibela na nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang lugar sa Quezon City.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with