_ngayon
^

Bansa

Essential personnel okey na ihatid-sundo ng non-APORs sa Metro Manila ECQ

James Relativo - Philstar.com
Essential personnel okey na ihatid-sundo ng non-APORs sa Metro Manila ECQ
A police checkpoint on the border of Calumpit, Bulacan and Apalit, Pampanga that allows only authorized persons outside of their residence to pass through on Monday, Aug. 2, 2021. Stricter quarantine protocols are in place in the lead-up to Metro Manila lockdown on August 6.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi na pagbabawalan ang paghahatid ng mga authorized persons outside of residence (APORs) ng mga non-APORs oras na ipatupad uli ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila simula Biyernes.

Pagbaliktad ito sa unang sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar na hindi ito pahihintulutan kahit na magiging limitado ang pampublikong transportasyon sa panahon ng ECQ, sa dahilang "madali itong maaabuso."

"Pwede nang ihatid ng non-APOR ang lahat ng essential workers," ani Eleazar sa isang tweet ngayong Huwebes ng umaga.

"Kailangan lamang nila ang business permit ng employer at certificate of employment ng worker APOR na nakalagay ang name ng employee, pangalan ng maghahatid, at vehicle details."

Matatandaang inanunsyo ang muling pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila mula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto sa pag-asang makokontrol ng gobyerno ang pagdami ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Dahil dito, tanging mga essential travels gaya ng trabaho, pagbili ng pagkain, gamot, atbp. ang papayagan habang dapat manatili sa loob ng bahay ang lahat.

Hindi tulad ng dating ECQ, papayagan ang pampublikong transportasyon sa pagkakataong ito, na isa sa dahilan bakit unang pumalag si Eleazar sa pagmamaneho ng non-APORS sa essential travelers. 

Sa kabila nito, 50% capacity lang ang mga public utility vehicles at hindi pwedeng magkakatabi — dapat may pagitan kada pasahero. Papayagan ang mga tricycle pero isang pasahero lang ang pwede.

"Paparusahan ang mga manloloko at mamemeke ng mga dokumentong para sa hatid-sundo para lang makatawid ng border," dagdag pa ni Eleazar kanina.

Sa huling tala ng Department of Health nitong Miyerkules, umabot na sa 1,619,824 ang tinatamaan ng COVID-19. Patay na ang 28,231 sa bilang na 'yan.

DELTA VARIANT ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE GUILLERMO ELEAZAR LOCKDOWN NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with